From pale gold to silver, the new P5 coins will have an updated look.
BAGYONG PAOLO: Typhoon Update According To PAGASA (October 20,2017) Ayon sa PAGASA ang Bagyong Paolo ay nasa Cagayan na. Mga dapat gawin BAGO dumating ang bagyo. *. Ihanda ang radyo, flashlight at ekstrang baterya; *. Maghanda ng pang-emergency na pagkaing hindi agad nasisira(katulad ng de-lata at biskwit),lalagyan ng tubig, first-aid kit o gamit at gamot na pang-unang lunas, at mga plastik na supot; *. Tiyaking mabuti na makakayanan ng bubong at mga bintana ng bahay ang malakas na ihip ng hangin (parasa mga kabahayan sa maralitang komunidad, tiyakin din na kakayanin ng haligi at dingding ang lakas ng hangin sapamamagitan ng pagtatali at/o pagpapako ng maayos sa mga ito); at *. Putulin ang mga mahahabang sanga ng mga punongkahoy namalapit sa bahay. Mga dapat gawin HABANG may bagyo *. Ugaliing makinig sa radyo o manood ng TV para sa regular na anunsyo o babala tungkol sa kalagayan ng bagyong paparating o kaya naman ay makibalita sa mga kapitbahay; *. Siguraduhin