BAGYONG PAOLO: Typhoon Update According To PAGASA (October 20,2017)
Ayon sa PAGASA ang Bagyong Paolo
ay nasa Cagayan na.
ay nasa Cagayan na.
- Mga dapat gawin BAGO dumating ang bagyo.
*. Ihanda ang radyo, flashlight at ekstrang baterya;
*. Maghanda ng pang-emergency na pagkaing hindi agad nasisira(katulad ng de-lata at biskwit),lalagyan ng tubig, first-aid kit o gamit at gamot na pang-unang lunas, at mga plastik na supot;
*. Tiyaking mabuti na makakayanan ng bubong at mga bintana ng bahay ang malakas na ihip ng hangin (parasa mga kabahayan sa maralitang komunidad, tiyakin din na kakayanin ng haligi at dingding ang lakas ng hangin sapamamagitan ng pagtatali at/o pagpapako ng maayos sa mga ito); at
*. Putulin ang mga mahahabang sanga ng mga punongkahoy namalapit sa bahay.
Mga dapat gawin HABANG may bagyo
*. Ugaliing makinig sa radyo o manood ng TV para sa regular na anunsyo o babala tungkol sa kalagayan ng bagyong paparating o kaya naman ay makibalita sa mga kapitbahay;
*. Siguraduhing may mga gamit pang-emergency na nakalagay sa lalagyang hindi nababasa;
*. Punuin ang lalagyan ng tubig, ilagay sa plastik na supot ang mga ekstrang damit, mga delata, kandila, posporo, baterya, at iba pang mahahalagang gamit;
*. Mag-ingat sa mata ng bagyo. Ito ang biglang pagtigil ng hangin at ulan at kalmado ang paligid sa isang lugar. Hudyat ito na pagkaraan ng halos 2 oras ay babalik ang mas malakas na hangin at ulan;
*. Manatili sa loob ng bahay hanggang matapos ang bagyo; at
*. Kung kinakailangang lumikas, tiyaking nakapatay ang kuryente ng bahay, nakasara ang tangke ng gas, at nakasusiang pinto. Huwag kalimutan angmga gamit pang-emergency.
Importante!
Alamin ang Emergency Hotline
Numbers During Disaster sa Pilipinas.